Babaeng pasahero na nag-drive ng taxi, patok sa FB

PATOK ngayon sa “social media” ang isang babaeng pasahero matapos nitong magmaneho ng taxi ng isang hindi pa nakikilalang 70 anyos na driver nito. 

Ayon sa Facebook post ni Cristina Tan Villanueva, ang dahilan niya sa pagpost ay dahil naging masaya siya dahil iyon ang una niyang karanasan na makapag-maneho ng taxi.  

Sabi ni Cristina sa kanyang post “While on the road sabi ni tatay (taxi driver) lipat na lang daw ako dahil hindi nya kaya mag-drive sa sobrang antok, sabi ko delikado naman kung bababa ako somewhere hindi ko alam kung makakasakay agad ako so i insisted ako na ang mag drive dahil malayo pa ang bahay ko from our location.”

Napapayag ni Cristina ang taxi driver na magmaneho ng kanyang sasakyang pinapasada. 

First ayaw niya nahihiya at akala nya hindi ako marunong mag drive ng manual. Pero pinilit ko nalang para maka idlip sya habang traffic,” ayon kay Cristina. 

Ikinatuwa at hinangaan ng mga netizen si Cristina sa Facebook post nito dahil sa kabutihang loob na ginawa niya sa matandang taxi driver. 

Nung ako na ang nagda-drive nakatulog agad sya at humihilik pa. Habang nasa byahe ang dami pumapara sa taxi tapos nagugulat at natatawa dahil babae ang driver.”

Anyway, 70yrs old na si tatay sabi nya panahon pa ni marcos taxi driver na sya at puro babae anak kaya naghahanap buhay pa rin till now. Ginising ko nalang si tatay nung nakarating na kami sa bahay ko,” dagdag nito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.