Babaeng Corrections officer ng Bucor buking sa pagpuslit ng shabu na ipinalaman sa pandesal

NABUKO ang isang babaeng Corrections Technical Officer1 (CTO1) nang mahulihan ng iligal na droga sa dala niyang pandesal na ipupuslit sana sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) nitong Miyerkules sa Muntinlupa City.

Agad pinaaresto at sinuspinde sa serbisyo ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. matapos mahulihan ng iligal na droga sa dala niyang pandesal .

Ayon kay Catapang, ang suspek na si “CTO1 Melchora”, ay nakuhanan ng dalawang (2) plastic ng hinihinalang shabu na inihalo niya sa loob ng supot ng pandesal na dumaan sa routine inspection na isinagawa ni CO1 Benito Pancho, sa Gate 1 ng Maximum Security Compound ng NBP alas 7:30 ng umaga ng Nobyembre 26, 2025.

Kaagad nagsagawa ng follow-up operation na pinangunahan ni NBP – Maximum Security Camp Commander, Maj. Henry Avila, natagpuan pa ang 33 plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu mula kay person deprived of liberty (PDL) Reineill  Dizon sa Dorm 5A. 

Isa sa pinagbasehan ang madalas na pagdalaw ni Dizon kay Melchora sa NBP Hospital, na posibleng magkasabwat sa galawan ang mga ito.

Bukod sa suspension order iniutos din ni Catapang na agad sampahan ng pormal na reklamo si Melchora, habang si Pancho naman ay nakatakdang bigyan ng spot promotion sa darating na  flag raising ceremony sa Lunes.

“These are the challenges that we have to face. We are not only guarding persons deprived of liberty but we also have to be vigilant against our own people. Mabuti na lang mangilan ngilan lang yang mga matitigas ang ulo na ayaw pang magbago but their days are numbered,” ani Catapang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.