Breaking News

Share this information:

TILA nagsawa na ang mga Manileño sa mga de-lata na laman ng food boxes na ipinamimigay ng pamahalaang lungsod ng Maynila. 

Ito ay kasunod ng ilang mga Facebook post kung saan ibinebenta ang bawat sardinas at beef loaf ng walo hanggang sampung piso bawat isa.. 

Mababasa ang palitan  ng komento na iniaalok ang de-lata sa napakamurang halaga, halimbawa ang CDO beef loaf na  ibinebenta ng sampung piso subalit ang retail price nito sa merkado ay 16 pesos. 

Ang COVID-19 Food Security food packs ay buwanang ipinamamahagi ng pamahalaang lungsod ng Maynila bilang tugon sa kinakaharap na pandemya. 

Una nang sinabi ni Manila Mayor Francisco Domagoso na lahat ng pamilyang Manileño, mahirap man o mayaman, botante man o hindi, ay makakatanggap mg buwanang ayuda bilang tugon sa kahirapan sa gitna ng pandemya. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: