Ayaw makipagbalikan, ginang, pinatay ng dating kinakasama; suspek, utas din

TODAS ang dalawang babae habang sugatan ang isang bata nang pagsasaksakin ng dating karelasyon ng isa sa mga biktima sa Barangay Macabling, Sta. Rosa, Laguna.

Batay sa ulat ng pulisya, duguan at wala ng buhay nang matagpuan ang biktimang si Marisora Espinosa, 52 anyos, gayundin ang suspek na si Jonful Ruben na dati nitong kinakasama.

Hindi naman umabot ng buhay bagamat naisugod sa ospital ang isa pang biktima na si Carol Mamaril na may mga sugat ng saksak sa mukha at dibdib.

Nasa ospital din ang isang anim na buwang gulang na sanggol habang nakaligtas naman sa pag-atake ng suspek ang dalawang buwang gulang sanggol.

Dakong alas-nueve ng umaga ng Martes umano nang dumating ang suspek sa apartment ng biktima na may bitbit na patalim at inatake ang mga biktima.

Si Ruben ay dating ka-relasyon ni Espinosa na ayon sa isang anak ng ginang ay pilit na nakikipagbalikan sa kanyang ina ang suspek ngunit nang hindi pumayag ay nagbanta itong sila’y papatayin.

Dati na umanong nagtangkang pumasok ang suspek sa bahay ng biktima nuong Enero 8 pero agad na nakaresponde ang barangay at pulisya.

Matagal na pong nagbabanta ‘yan sa amin na babarilin niya daw po kaming lahat pag di raw po nakipagbalikan ang nanay ko po. Ayaw na po ng nanay ko sa kanya kasi po nagda-drugs po ‘yun. Kasi nanakit din po,” ayon kay Sherilyn Espinosa, anak ng biktima.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng lumaban ang mga biktima at nasaksak ang suspek sa tagiliran na ikinamatay din nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.