AWOL na pulis, dinukot sa Laguna

Share this information:

LAGUNA— Dinukot ng walong armadong kalalakihan ang isang dating miyembro ng Philippine National Police PNP na nag AWOL o Absent Without Official Leave nitong Miyerkules sa Los Banos, Laguna .

Kinilala ni Laguna Provincial Police Director Col.Serafin Petalio II ang bktimang si Michael Siervo ,34 anyos at residente ng Brgy. San Antonio, Los Banos, Laguna.

Ayon kay Petalio, ikinuwento ni alyas Angelo ,26 anyos na kapatid ng biktima na naglalakad lamang ang kanyang  Kuya sa gilid ng Brgy.Batong Malaki bandang alas 2:06 ng hapon nitong Miyerkules.

Nang sumapit sa bilihan ng Nwow Electric Bike may dalawang puting  Hyundai Toyota vans na walang plaka ang huminto sa harapang ng  kanyang kuya at bumaba ang dalawang di pa nakikilang armadong kalalakihan saka sapilitan itong isinakay sa sasakyan kasunod ang dalawa pang saksakyan sa likuran at saka   tumakbong papalayo sa lugar.

 Base sa record ni Siervo,tatlong taon na ang nakalipas matapos itong  mag-AWOL ito sa PNP.

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya upang maresolba ang nasabing pangyayari.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.