UMABOT sa 2,188 ang average na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw.
Ito ay mas mataas ng seven percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 3 hanggang 9, ayon sa Department of Health COVID-19 Tracker.
Kaya naman mula Oktubre 10 hanggang 16, nasa 15,314 na bagong kaso ang naitala sa bansa.
Sa mga bagong kaso, apat sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 251 na pumanaw kung saan 33 ay naganap noong Oktubre 3 hanggang 16.
Noong ika-16 ng Oktubre 2022, mayroong 690 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,504 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 625 (25.0 percent) ang okupado. Samantala, 26.8 percent naman ng 21,281 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.
Mahigit sa 73 milyong indibidwal o 93.98 percent ng target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 79.01 percent ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series ng bakuna