PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian hacker na nagtangkang pumasok ng Pilipinas.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nasabat ng pamunuan ng Border Control and Intelligence Unit (BCIU) ng BI ang tangkang pagpasok ni Risteski Borche, 40 anyos, sakay ng isang Cebu Pacific flight mula Sydney sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Disyembre 21.
Si Risteski na isang Australian subalit tubong Macedonia ay kabilang sa Interpol alert.
Sinasabi na si Risteski ay wanted sa Macedonia dahil sa di awtorisadong pag-hack nito sa computer system na isang paglabag sa Article 251 ng criminal code ng Macedonia, at nahaharap sa apat na taon na pagkabilanggo sa nasabing bansa.
Dahil dito, pinagbawalan siyang pumasok ng bansa at kasama ang kanyang pangalan sa blacklist ng BI.