Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valwnzuela City kahapon ng umaga.

Sa report ni PSMSgt. Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-7:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation sa harap ng isang walang numerong bahay sa Matiyaga St. Area 3, Pinalagad, Brgy. Malinta.

Agad inaresto ng mga operatiba si Gilbert Evangelista, alyas Berto, 29 anyos, ng Navotas City at Joan Macaspac, 25 anyos, matapos umanong bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000, buy-bust money, P500 cash, 2 cellphones at pouch.

Nauna rito, dakong alas-9 ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Madregalejo sa buy-bust operation sa labas ng kanilang bahay sa F. Alcanar St., Brgy. Wawang Pulo si Reilando Manalo alyas Toto, 42 anyos, at kanyang live-in partner na si Mary Jane Castillo, 46 anyos.

Ani SDEU investigator PCpl. Pamela Joy Catalla, nasamsam sa kanila ang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000, P500 buy bust money, cellphone at coin purse.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: