Apat na miyembro ng pamilya nasawi sa sunog sa Las Piñas

LAS PIÑAS CITY — Nasawi ang isang pamilya matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Bernabe Compound, Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), bumagsak mula sa ikatlong palapag ang tatlong mag-iina at na-trap sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, habang ang padre de pamilya ay nasa kusina at hindi rin nakaligtas.

Kinilala ang mga nasawi na sina:

Ninoy, 38 anyos, ama

Margie, 36 anyos, ina

Jhanna Marie, 17 anyos, panganay na anak

Margo Zia, 3 taong gulang, bunsong anak


Lahat ay residente ng Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.

Batay sa imbestigasyon, nasa ikalawang palapag ang mag-iina nang bumagsak ang mezzanine dahil sa tindi ng apoy, dahilan upang sila’y maipit at hindi na makalabas.

Tinatayang mahigit P600,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian. Bandang 2:47 ng madaling araw tuluyang naapula ang sunog.

Ayon sa BFP-Las Piñas, agad nakaresponde ang mga bumbero sa tulong ng kanilang 24/7 fire watch camera, ngunit hindi na naisalba ang pamilya.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog, ngunit isa sa mga tinitingnang posibleng dahilan ay faulty electrical wiring o overheating ng electrical appliance.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.