Apat na lalaking lasing, kulong matapos magwala sa Navotas

Arestado ang apat na lalaking lasing matapos magwala sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang mga suspek na si Angelito Luna, 24, mangingisda, Romel Canveras, 24, construction worker, John Loyd Francisco, 21, construction worker at Alejandro Tulipas, 19, mangingisda.

Lumabas sa imbestigasyon, dakong 12:10 ng hatinggabi nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 1 at barangay tanod ang natanggap na impormasyon mula sa Brgy. Tanza 2 hinggil sa ilang hinihinalang lasing na kalalakihan na gumagawa ng gulo at nang-iistorbo sa mga risedente sa Bldg. 8 Alley, Socialized Housing, Tanza 2.

Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang apat na nagsisigaw at paulit-ulit na sinasabi “mga pu…. ina nyong lahat, wag kayo makialam dito” habang naghahagis ng matitigas na bagay na labis na nakaistorbo sa publiko.

Inaresto ang mga suspek at dinala sa Navotas City Hospital para sa medical examination bago tinurn-over sa Navotas Police para sa proper investigation at disposition.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.