Breaking News

Share this information:

APAT na indibidwal ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation -Special Task Force (NBI-STF) sa dalawang magkahiwalay na entrapment operations sa Quezon City.

Iprinisinta ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor sa mga mamamahayag ang mga suspek na sina Maria Christina Manaig, Christipher Boydon ,Philip Bales at Bernard Tommy Bunyi.  

Ayon kay Distor, ang operasyon ay bunsod  ng impormasyong natanggap ng NBI-STF kaugnay sa talamak na bentahan ng Remdesivir na isang investigational drug na ginagamit na panggamot sa mga pasyente ng COVID-19 sa bansa.

Nagawa namang mag-order ng naturang gamot ang NBI-STF sa dalawang seller sa pamamagitan ng online kung saan nagkakahalaga ng P4,500 at P5,000 ang bawat vial.

Ayon pa sa NBI, ang magkahiwalay na operasyon ay ikinasa nitong Hunyo 15 laban sa dalawang seller na ikinaaresto nina Manig, Boydon at Bale sa West Avenue, Quezon City ng unang team ng  mga ahente ng NBI-STF habang ang pangalawang team at inaresto naman si Bunyi sa Timog Avenue, Quezon City.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Food Administration Act of 2009” at R.A. 5921 o “Philippine Pharmacy Act” ang mga naarestong indibidwal.

Una nang inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na kailangan ng  Compassionate Special Permit (CSP) bago gamitin ang mga anti-viral drug .

Gayunman ang CSP ay hindi katumbas ng Certificate of Product Registration na iniisyu ng FDA.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: