Anim na katao, kumpirmadong nasawi sa sunog sa Quiapo, Maynila

Share this information:

KUMPIRMADO nang patay ang anim na katao sa naganap na sunog sa Arlegui Street sa Quiapo, Maynila kaninang madaling araw, Disyembre 29.

Kasamang nasawi sa sunog ang kambal na sina Cheska Celine at Cheska Camille Perito, ang kamag-anak na mag-asawang sina Jofae Mae Porio at Rol Daniel Cayetano at kanilanga anak na si Ronan Cyrus Cayetano at isa pa nilang kapitbahay.

Mahigit sa 500 pamilya naman ang naapektuhan at nawalan ng tirahan matapos maging abo ang kanilang mga bahay.

Ayon sa ilang residente, bigla na lamang nakarinig ang mga ito ng malakas na tunog at nang makita ay may makapal nang usok kaya dali-dali silang lumabas sa kanilang bahay upang isalba ang sarili.

Karamihan sa nawalan ng tirahan ay wala ring naisalbang kagamitan at ari-arian.

Sa ngayon pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng kabilang barangay ang mga nasunugan habang hinihintay ang tulong mula sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ang mga labi ng mga biktima na na-trap sa sunog ay dadalhin sa Sanctuary Funeral Homes.

Pasado alas dos ng madaling araw nang magsimula ang sunog at naapula  pasado alas otso ng umaga kung saan iniakyat ang sunog sa ikatlong alarma.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.