Mga nasaktan dahil sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, umabot na sa 137 — DOH

UMABOT na sa kabuuang 137 ang mga nasaktan sa paputok o “fireworks-related injuries” makaraang madagdagan pa ng 85 ang bilang ng mga kaso sa buong magdamag sa pagsalubong ng Bagong Taon. 

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa media forum na ginanap sa Baguio City General Hospital and Medical Center (BGHMC), kahapon lamang ay nakapagtala lamang ng 52 kaso.

Batay aniya sa comparison report, mas mababa ng 15 percent ang kaso mula 2021 habang mas mababa naman ng 46 percent kumpara sa five-year average period.

Dagdag pa ng opisyal, batay pa rin sa comparison report mula sa mga rehiyon, ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng kaso sa parehong 2021 at 2022.

Sa Bicol, naitala ang pinakamalaking pagtaas ng mga kaso. Mula sa zero case noong 2021, nakapagtala  ng iilang kaso rin sa Mimaropa at Mindanao.

Pitong rehiyon naman ang nakapagtala ng pagbaba ng fireworks-related injury kabilang ang Region 3, 6, Calabarzon, 7,1 CAR, at BARMM.

Mga kalalakihan naman ang mas malaking apektado ng mga naputukan habang karamihan sa bilang ng mga kasong naitala ay mga nasa adolescent group o mga edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Para naman po sa pagkukumpara ng kaso by nature of injury–pinakamataas po ang bilang ng mga blast or burns with no amputation na bumubuo ng 67 percent ng total cases,” sabi ni Vergeire.

Pumapangalawa aniya ang eye injury na bumubuo ng 30 percent ng total cases, habang panghuli naman ang blast o burns with amputation na bumubuo lamang ng 4 percent ng total cases.

Apat sa anim na blast o burn with amputation ay naputukan gamit ang legal na fireworks katulad ng whistle bomb.

Mas mababa naman ang nangangailangan ng amputation ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, ayon pa kay Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.