Anim arestado dahil sa pagbebenta ng pekeng vaccination card

Share this information:

INARESTO ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisimiyento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., isinagawa ang raid ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Maj. Vicky Tamayo na nagresulta sa pagkakaaresto kay Geraldine Vargas, 51 anyos, ng Dagupan St., Tondo, Camille Cressida Halili, 34 anyos, ng Batanes St. Sampaloc, Janneth Viernes, 42 anyos, ng D. Aquino St. 4th Avenue, Caloocan City, Gengen Subito, 34 anyos, ng Oroquieta St. Sta Cruz, Nikko Molina, 18 anyos ng Pasillo I Central Market at Ronaldo Benitez, 31 anyos ng Int. 2 Brgy. 310 Sta. Cruz, Manila.

Nauna rito, nakatanggap si DSOU chief P/Lt. Col. Jay Dimaandal ng isang tip mula sa kanilang confidential informant na ang mga suspek ay nagbebenta ng mga pekeng COVID-19 vaccination cards ng mga siyudad ng Caloocan at Valenzuela.

Dakong alas- 6:30 ng gabi, isang police poseur-buyer ang nagawang makakuha ng isang pekeng health vaccination card ng Caloocan City kapalit ng P1,800 marked money na naging dahilan upang agad lusubin ng mga operatiba ang naturang establisimiyento na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa naturang establishimento ang ilang health vaccination cards ng Caloocan at Valenzuela, fake COVID-19 antigen test results, fake vaccine receipts, gamit sa pagproseso ng mga pekeng dokumento, marked money na ginamit sa entrapment operation at P2,300 cash.

Kasong paglabag sa Art. 172 ng Revised Penal Code in relation to Rule XI Section 1 paragraph B of Implementing Rules and Regulation of RA No. 11332 o alleged fake vaccination cards ang isinampa sa mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Election officer in Samar shot dead in ambush

Fri Nov 19 , 2021
AN acting election officer in Samar was gunned down Thursday afternoon by a still unidentified assailant. The victim was identified as James Diaz Maghanoy, 42 years old, acting election officer of the municipality of Lope de Vega in Catarman, Northern Samar. Based on initial investigation, Maghanoy was on his way […]
%d bloggers like this: