Adaptive mother of Kapamilya singer Angeline Quinto, Sylvia Quinto o mas kilala bilang Mama Bob ay pumanaw na.
Nag post si Angeline sa kanyang facebook kanina ng nakakaantig na larawan niya habang yakap si mama Bob at may caption na,
“Mag iingat ka sa pag lalakbay Mama. Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sayo. Hinding hindi ako mapapagod sa pagpapasamalat sayo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo”. Hanggang sa muli nating pagkikita. MAHAL NA MAHAL KONG MAMA BOB đź’”
Matapos ang halos 2 buwan after sumailalim sa maselan brain surgey, binawian na ng buhay si Mama Bob sa Our Lady of Lourdes Hospital, Sta. Mesa Manila.
Noong Setyembre humingi si Angeline ng dasal para sa pinaka matinding pagsubok sa kaniyang buhay. At nag update pa siya na naging matagumpay ang operasyon. At huling post niya noong Nov. 4 ng kanilang throwback photo at sinabing miss na miss na niya ang kanyang travel buddy.
Lubos po ang aming pakikiramay at panalangin at maging ang bumubuo ng FrontpagePH.com kay Angeline Quinto sa paglisan ni Mommy Bob.