Ang dating “Trudis Liit” na si Jillian Ward, dalagang-dalaga na

ANG dating super cute child actress na si Jillian Ward na hinangaan noon sa galing niyang umarte, ngayon ay kinamamanghaan na sa kaniyang angking ganda at sa pagiging seksi.

Sa kaniyang pinakahuling post sa Instagram, ibinahagi nito ang kaniyang larawan na nakasuot ng “anime-style school girl uniform,” kung saan umabot na sa 200,000 likes sa loob lamang ng 24 oras.

Nakatanggap ng maraming papuri ang batang aktres, mula sa kaniyang kagandahan at sa pagiging ganap nang dalaga nito.

May mga nagkukumento rin sa kaniyang post na mula sa pagiging “Trudis Liit,” lumipas man ang panahon ay marami pa rin sa kaniyang tagahanga ang nakaka- alala sa pagganap niya sa classic movie adaptation kung saan si Vilma Santos ang gumanap bilang orihinal na “Trudis Liit” na likha ng batikang manunulat sa komiks na si Mars Ravelo.

Limang taon pa lamang noon si Jillian noong nakilala siya sa pagganap niya bilang “Trudis Liit.” At kahit malayo na ang narating ng dalaga sa kaniyang career ay nagpapasalamat pa rin ito sa lahat ng sumuporta sa kaniya simula noon
hangang ngayon.

Today, I’m not only cherishing the gift of life, but also everyone in my life. You all help me discover myself constantly — my essence, my purpose, and everything else,” sabi nito sa kaniyang Instagram post na na-post sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.

Naging bokal ang batang aktres sa kaniyang pag idolo sa tinaguriang “Primetime Queen” ng showbiz na si Marian Rivera. Makikita rin ito sa kaniyang mga litrato at video nito sa pagsayaw ng Marimar, na naging dahilan para magbigay ng opinyon ang mga fans at tawagin si Jillian bilang susunod na Marimar.

Possible nga bang maging susunod na Marimar ang batang aktres na si Jullian? Iyan ang dapat na subaybayan ng kaniyang mga fans.

(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.