Ancestral home ni Mayor Lim damay sa sunog sa Tondo

Share this information:

NADAMAY ang ancestral home ng yumaong dating Manila Mayor at dating Senator Alfredo Lim sa mga nasunog na kabahayan sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), tinatayang aabot sa 30 hanggang 40 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab ngayong umaga na nagsimula pasado alas 8 ng umaga.

Nasa 60 pamilya ang tinatayang naapektuhan sa sunog na inaalam pa ng mga imbestigasyon kung paano nagsimula.

Ayon kay BFP Manila Chief of Operations Fire Sr, Inspector Hector Agadulin, umabot sa ikatlong alarma ang sunog  sa ikatlong palapag ng bahay na tinutuluyan ni Manny Lim na mabilis kumalat sa mga katabing bahay

Nakontrol ang sunog bandang alas 10:26 ng umaga.

Nahirapan naman ang mga bumbero na pumasok sa lugar ng sunog dahil sa kipot ng daanan bukod pa sa mga usisero na nakahambalang.

Samantala, isang sunog rin ang sumiklab ngayong umaga sa Onyx Street, San Andres kung saan apat na bahay ang naapektuhan.

Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala sa sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.