“Anal swab test,” titingnan kung kailangan talaga — DOH

Share this information:

Pag-iisipan pa at pag-aaralan pa umanong maigi ng Department of Health (DOH) ang anal swab test  para sa COVID-19 infection kung ito ay talagang kakailanganin sa ating bansa.

Tugon ito ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire kaugnay sa  lumabas na artikulo  hinggil sa ginagawang anal swab test sa China.

Ayon kay Vergeire, hindi maginhawa o inconvenient  sa parte ng isang indibidwal at health care workers ang nasabing pag-susuri.

Base kasi aniya sa lumabas na artikulo, ang virus ay nananatili ng mas matagal sa anus area  kaysa sa respiratory tract.

Gayunman, ano man aniya ang lumabas sa mga artikulo  kung papasok umano ang nasabing teknolohiya sa ating bansa  ay dadaan pa rin ito sa validation na ginagawa ng ating national reference  laboratory katulad ng ginagawa ng iba’t-ibang teknolohiya.

Isinasagawa ang validation study ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM)  ngunit kailangan pa umanong iparehistro sa Food and Drug Administration (FDA).

“Kung kami tatanungin sa DOH, kung  talagang  kakailanganin at with sufficient evidence at nakita na talagang makakapagbigay  ng accurate results also,  pag-iisipan pa ng maigi ng gobyerno ‘yan “ ayon pa kay Vergeire.

“As we said, it is really inconvenient to both  individual  and health care workers,” dagdag pa ng opisyal.

(Photo credit: globaltimes.cn)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mga opisyal ng CBCP, handa magpaturok ng COVID-19 vaccine

Fri Jan 29 , 2021
Sinabi ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na handa magpaturok ang ilang opisyal nito ng COVID-19 vaccine sa harap ng publiko upang mapataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa bakuna. Sa isang pulong balitaan nitong Huwebes, sinabi ni CBCP president Archbishop Romulo Valles na tatanggapin niya ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: