Breaking News

Share this information:

WALANG iniwang buhay ang isang naburyong na ama nang brutal na paslangin ang kanyang pamilya kabilang ang may-bahay at dalawa nilang paslit na anak sa Binan City, Laguna kahapon.

Matapos ang isinagawang nakakarimarim na krimen ay nagpatiwakal naman sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang padre de pamilya na si Johnny Martinez, 46 anyos.

Ayon kay Binan City Police Chief Lt. Col. Giovannie Martinez, pasado ala una ng hapon ng Martes (June 15) nang matagpuan ng mga awtoridad ang wala ng buhay na mag iina na duguang nakahandusay sa sahig sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Canlalay.

Nakilala ang mag iina na sina Jolly, 41, at mga anak na sina Winston, 7-taong gulang at sanggol na si Brixton.

Nagtamo ang mga biktima ng mga malalalim na sugat sa kanilang ulo habang nakita sa bibig ng mga bata ang face mask na nakabusal sa kanilang bibig.

Hinihinalang pinalo ng ama ng martilyo hanggang sa mamatay ang kanyang mag-iina bago ito nag suicide.

Sa salaysay ng isang Melissa Loza, kapitbahay ng mga biktima, halos gabi-gabi nilang naririnig ang pagtatalo ng mag-asawa bunsod ng kakapusan sa pera.

Nitong nakaraang gabi, muli nila aniyang narinig ang pag-aaway ng mag-asawa at nadugtungan pa ng mga bulahaw ng mga anak nito.

Kinabukasan na nila nadiskubreng patay na ang buong pamilya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: