Alert Level 3, ipatutupad na ngayong araw sa lalawigan ng Rizal

Share this information:

SIMULA sa araw na ito, Oktubre 20, ipapatupad na ang Alert level 3 quarantine restriction sa lalawigan ng Rizal.

Ayon ito sa isang bagong resolusyon mula sa IATF kung saan pinalalawig ang pagpapatupad ng Alert Level System sa ibang lugar dahil sa nakikitang unti-unting pagbaba ng hawahan ng COVID 19 at health care utilization rate.

Nagpalabas na ng isang kautusan ang pamahalaang pang-lalawigan ng Risal kung saan inaatasan nito ang 13 bayan at isang lungsod na magpalabas ng mga alituntunin alinsunod sa guidelines ng IATF.

Inatasan din ang kapulisan, mga lokal na pamahalaan pati na ang barangay na higpitan na ang pagpapatupad ng mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat at pagkakahawa sa sakit.

Ang lahat naman ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga munisipyo at local health offices para sa pagpapabakuna kontra COVID-19 upang mabigyan proteksyon ang sarili mula sa sakit.

Samantala, nagpalabas na ng abiso ang lungsod ng Antipolo sa kanilang mga residente na papayagan nang lumabas ang anumang edad ngunit para lamang sa pagbili ng essential goods and services o kung papasok sa trabaho o opisina.

Ang mga fully vaccinated naman na 65 anyos at walang comorbidities ay papayagan na din lumabas ngunit sa mga outdoor o al fresco na mga lugar lamang.

Ipatutupad na din ang curfew mula ika-12 hanggang ika-4 ng madaling araw.

Ang mga establisimiyento naman na ang mga empleyado ay fully vaccinated na ay papayagan nang magbukas na may maximum na 30 percent venue capacity para sa indoor at 50 percent naman para sa al fresco/outdoor dining. Ihanda na ang mga vaccination card dahil kailangan ito upang makapasok sa mga establisimiyento.

Ang Alert Level 3 sa Rizal ay tatagal hanggang Oktubre 31, 2021.

(PHOTO CREDIT: rizalprovince.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

New COVID-19 cases today at 3,656, a new 14-week low

Wed Oct 20 , 2021
THE Department of Health (DOH) logged 3,656 new COVID-19 infections today, lower than yesterday’s 4,496 count, according to the DOH COVID-19 Case Bulletin issued today, October 20, 2021. This brings the total number of COVID-19 infections in the country to 2,735,369 cases. The number of cases today is the lowest […]
%d bloggers like this: