Aktor at partner nito, tinutugis ng NBI dahil sa kasong estafa

Share this information:

TINUTUGIS na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Jace Flores at ang partner nito dahil sa ilang kaso ng estafa. 

Nabatid na nagbenta ng mamahaling relo si Reynaldo “Jace” Chanco Flores at ang partner nito na si Doriz May Santos sa casino financier na si Jessie Reyes Gay. 

Ayon kay Gay, binayaran niya ng P300,000 ang Audemars Piguet Swiss watch na di-umano ay nasa P3 milyon ang halaga sa merkado, subalit laking gulat nito nang ipasuri ang relo ay napag-alaman na peke pala. 

Bukod dito, nabiktima rin ng magpartner ang Overseas Filipino Worker (OFW) na dealer ng relo at alahas na si Anna Marie Margarejo matapos itong makuhanan ng dalawang Rolex watch na nagkakahalaga ng P500,000

Nagbigay lang umano ng P100,000 sina Flores at hindi na binayaran ang balanse. 

Samantala, ang talent manager na si Len Carillo ay nabiktima rin nina Flores matapos umano siyang bentahan ng nakaw na SUV.

Sa ngayon ay hindi na mahagilap ang dalawa na kasalukuyang nahaharap sa patong patong na kaso ng estafa. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Public advised not to be lured by "too good to be true" investment schemes

Mon Nov 1 , 2021
THE Philippine National Police (PNP) again advised the public not to be lured easily in entering into any investment scheme that may seem “too good to be true.” The warning was issued by PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar after he lauded the arrest of a couple in Butuan City […]
%d bloggers like this: