Storm Signal No.1 sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagyong Pepito

NAKATAAS ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagyong Pepito na bahagyang lumakas habang kumikilos patungong Hilagang-Kanluran ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng storm signal no. 1 ay ang Isabela, Aurora, Quirino, Silangang bahagi ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal, Tabuk City, Tanudan), Silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig), Ifugao, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, San Jose City, Lupao, Llanera, Rizal, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Palayan City, General Tinio, Cabanatuan City, Santa Rosa, Munoz City, Talavera, Santo Domingo, Penaranda, Gapan City, San Leonardo), at northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real).

Tinataya na tatama sa kalupaan ng Northern at Central Luzon ang bagyo sa pagitan ng Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga. Umaga ng Miyerkules ay maaaring nasa West Philippine Sea na ang bagyo.

Nabatid pa mula sa Pagasa na posibleng lumakas pa ang bagyong Pepito bago ito tuluyang maglandfall.

Huling namataan ang mata ng bagyong Pepito sa layong 410 kilometro ng Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras at kumikilos sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.