CAAP naka heighten alert sa pagdagsa ng pasahero ngayong Semana Santa

INILAGAY ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa heightened alert status ang lahat ng pinapatakbo nitong paliparan sa bansa dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Ayon sa CAAP inaasahan ang 7 hanggang 10 porsiyentong paglago o 550,000 na mga pasahero sa mga pinapatakbo nitong paliparan ngayong mahal na araw, kumpara sa 505,511 na mga pasahero na naitala sa parehong panahon noong 2025.

Inatasan ng CAAP ang lahat ng area at airport managers na magpatupad ng heightened operational readiness measures, kabilang ang pagdagdag ng deployment ng mga tauhan, mas mahigpit na security protocol at patuloy na pagsubaybay sa paggalaw ng mga pasahero upang matiyak ang ligtas at mahusay na operasyon ng paliparan sa buong bansa.

Bukod pa rito, magse-set up ng mga help desk sa mga pangunahing paliparan upang tulungan ang mga pasahero na may mga travel concern at pakikipag-ugnayan sa mga airline at iba pang ahensya ng gobyerno upang mabawasan ang mga potensyal na abala.

Pinaalalahanan din ng CAAP ang mga pasahero na dumating sa paliparan ng hindi bababa sa dalawa hanggang tatlong oras bago ang kanilang nakatakdang flight, suriin ang oras at update sa kani-kanilang mga airline at ihanda ng maaga ang lahat ng kinakailangang dokumento sa paglalakbay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.