Mga opisyal at kawani ng Civil Registry sa Mindanao inasunto ng NBI dahil sa pekeng sertipikasyon sa dalawang Chinese nationals.

INASUNTO ang mga opisyal ng Civil Registry sa sinasabing pagmaniobra ng birth certificate sa North Cotabato ng National Bureau of Investigation (NBI).

Isinagawa na ng NBI ang mga kaso laban sa mga opisyal ng Local Civil Registry sa Pikit at North Cotabato dahil sa pagmamaniobra umano ng “ready-made” birth certificates para sa mga dayuhang nais makapagrehistro bilang Pilipino.

Base sa ulat kay NBI Director Melvin Matibag ng NBI – Central Mindanao Regional Office (NBI-CEMRO), isinampa na ang pormal na reklamong paglabag sa Republic Act No. 3753 (the Civil Register Law), RA 3019 (the Anti-Graft and Corrupt Practices Act), at RA 6713 ( Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), bukod pa sa falsification of public documents at perjury sa ilalim ng Revised Penal Code kaugnay sa nadiskubreng iregularidad.

Ayon sa pagsisisyasat at pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA), natukoy ang “sophisticated conspiracy “ na kinasasangkutan ng local civil registrars, kanilang mga staff, at isang retiradong municipal civil registrar na nagsilbing private facilitator.

Nadiskubre na hindi dumaan sa legal protocols ang pagproseso ng late registration ng  Certificates of Live Birth (COLB) gamit ang “falsified” at “fabricated supporting documents”, na ang mga benipisaryo ay pawang dayuhang Chinese.

Pagbebenta umano ng “ready-made” birth certificates dahil hindi na dumaan sa mandatory verification kapalit ng pera.

Sa pagtaya ng PSA, mahigit 50,000 ang natukoy na fraudulent birth records  mula sa 1,600 registry offices sa buong bansa, kung saan nangunguna ang Pikit at Aleosan bilang high-risk areas, dahilan upang agad na busisiin ng NBI.

Ayon sa NBI na ang mga sangkot ay dapat managot dahil isa itong usapin ng national security.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.