MOA sa pagtatayo ng Regional Prison Facility sa Southern Leyte nilagdaan

NILAGDAAN na sa pagitan ng Bureau of Corrections (BuCor)at pamahalaang panlalawigan ng Southern Leyte ang isang memorandum of agreement para sa isang Regional Prison Facility sa Silago, Southern Leyte.

Ito ay magiging isang Special Economic Zone na may mga bahagi ng correctional, agro-industrial, at eco-tourism. 

Ayon kay BuCor Director  Gregorio Pio P. Catapang Jr. ito umano ay isang malaking hakbang tungo sa pagmodernize ng sistema ng correctional sa Pilipinas at pagpapalakas ng paglago ng sosyo-ekonomiko sa Silangang Visayas. 

Itatayo ang pasilidad sa 2800-ektaryang lupang ibinigay ng pamahalaang panlalawigan. 

Nagtutulungan sila ni Gobernador Damian G. Mercado upang maisakatuparan ito, kung saan ang BuCor ang bahala sa pagpaplano at disenyo, at ang pamahalaang panlalawigan ang magbibigay ng lokal na suporta.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.