Correctional Institution for Women naka abang na kay Alice Guo

NAKAHANDA na ang Correctional Institution for Women (CIW) na tanggapin si Alice Guo na napatawan ng parusang habambuhay na kulong at multang P2-milyon sa Mandaluyong City dahil sa qualified human trafficking kaugnay sa pagkakatuklas sa Philippine Offshore and Gaming Operator (POGO) hub sa Tarlac.

Tiniyak ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na pinaigting ang mga hakbang sa seguridad sa CIW kung saan ililipat si Guo matapos maglabas ng desisyon ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 noong Huwebes, Nobyembre 20.

Hinatulan rin na guilty katulad na parusa sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz, at Walter Wong Rong, gayundin ang apat sa acts of trafficking na sina Wang Weili, Wuli Dong, Nong Ding Chang, at Lang Xu Po.

Iniulat naman ni CIW Corrections Technical Superintendent Marjorie Ann Sanidad kay Catapang na nagtalaga na sila ng karagdagang Corrections Emergency Response Team upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng mga pasilidad.

Dadaan si Guo sa 60 araw na proseso sa Reception and Diagnostic Center (RDC), kabilang ang berikasyon ng dokumento at gamit bago isailalim sa quarantine ng 5 araw para sa medical examination, at mandatory orientation, diagnostics at qualification naman sa regular na dormitory para permanenteng selda sa Maximum Security Camp.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.