400 bagong BuCor personnel pinanumpa

Sabay-sabay na nag oath taking ang mahigit 400 bagong promote at appointed na Bureau of Corrections (BuCor) personnel sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Pinangunahan ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang panunumpa sa mga bagong tauhan ng ahensya sa buong bansa.

Sinabi ni Catapang na mayroong 188 uniformed at 11 civilian personnel ang na-promote, habang 134 Corrections Officers, 95 Corrections Technical Officers at 20 civilian personnel ang nanumpa sa tungkulin.

“As newly appointed and promoted personnel you carry the responsibility of upholding the standards of the Bucor, ayusin nyo ang pagtatrabaho nyo at makakaasa kayo na aalagaan namin kayo pati na ang pamilya nyo,” pahayag ni Catapang.

Hinimok rin ni Catapang ang mga ito na labanan ang katiwalian dahil ito ay magbubunga lamang sa kanilang pagbagsak.

Ayon kay Catapang, ang patuloy na promosyon at pagkuha ng mga bagong tauhan ng ahensya ay naaayon sa patuloy na mga reporma na naglalayong gawing moderno ang Bucor at mapabuti ang pangkalahatang kondisyon para sa parehong mga kawani at mga bilanggo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.