Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

NARAMDAMAN ng mga residente sa ilang lugar sa Mindanao ang magnitude 6.1 na lindol sa Sarangani Island, Sarangani sa Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-7:07 ng umaga nang maitala ang pagyanig na may lalim na 79 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Nabatid na naramdaman ang Intensity V sa Glan at Malungon, Sarangani gayundin sa Pantukan, Davao de Oro.

Intensity IV naman ang naitala sa Alabel, Kiamba, at Malapatan, Sarangani; General Santos City; Tupi at Koronadal City sa South Cotabato; Davao City; Santa Cruz, Davao del Sur; Jose Abad Santos, Davao Occidental; at Monkayo, Davao de Oro.

Samantala, ramdam ang Intensity III sa Maasim at Maitum, Sarangani; Banga, Tampakan, Surallah, at Polomolok sa South Cotabato; Maco at Nabunturan sa Davao de Oro; Matanao at Magsaysay sa Davao del Sur. Intensity II naman sa Tantangan at Norala, at Santo Niño sa South Cotabato.

Sinabi pa ng Phivolcs na bagama’t walang naiulat na pinsala ang lindol ay patuloy pa ring makakapagtala ng aftershocks.

Isa sa mga naitalang malakas na aftershock ay magnitude 5.2 sa Sarangani Island dakong alas-7:41 ng umaga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.