ISANG hindi magandang Sabado ang sumalubong sa mga taga Tondo, Maynila dahil sa pagsabog ng isang bodega sa naturang lugar.
Nagresulta ang pagsabog sa isang gusali ng Mega Genesis Trading Corporation sa Magsaysay Village sa Tondo sa pagkasugat ng tatlong katao, na naganap kaninang ika-9 ng umaga ngayong Sabado.
Ang tatlong sugatan ay pawang mga construction worker, na kinilalang sina Edzel Eustaquio (24 taong gulang), Alvin Pagtabunan (31 taong gulang), at Arnulfo Meru (25 taong gulang).
Dinala ang mga biktima sa Tondo Medical Center at binigyan naman ng agarang lunas.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naging dahilan ng pagsabog at kung may posibleng paglabag sa mga safety protocol.

