DAHIL sa umano ay isyu ng “vote buying,” isang senatorial candidate ang iniimbestigahan na din ng Commission on Elections (Comelec).
Nakatakda namang maglabas ng “show cause order” ang Committee on Kontra-Bigay poll body laban sa kandidato na si Camille Villar.
Ayon kay Comelec Executive Director Teofisto Elnas, ilalabas ang show cause order ng komite dahil sa sumbong na naga-abot ng pera bilang pang-raffle.
Sinasabing naganap ang aktibidad sa Buhay na Tubig, Imus, Cavite na lumabas sa social media noong Pebrero 26 na siyang simula ng panahon ng kampanya subalit kahapon lamang naipaabot sa kaalaman ng komisyon.
Hindi naman malinaw kung namigay ang kandidato ng pera o iba pa.
Ayon sa Comelec, dapat pa ring siyasatin lalo na’t dumalo ang kandidato sa aktibidad kung saan nakasulat din ang kanyang pangalan sa mga nakapaskil na mga tarpaulin
Bibigyan ng tatlong araw ang kandidato para makapagpaliwanag sa nasabing isyu.

