ISANG sunog ang sumiklab sa isang bahagi ng Tondo sa lungsod ng Maynila noong Huwebes ng hapon.
Tatlong tao ang iniulat na namatay sa nasabing sunog.
Sa inisyal na imporamsyon, dalawang senior na mag-asawa at kanilang anak ang na-trap sa loob ng kanilang bahay matapos na hindi na makalabas dahil na rin sa katandaan at hirap nang lumakad.
Ala 1:22 ng hapon nang magsimula ang sunog sa two-storey residential structure sa R. A. Reyes St., sakop ng Barangay 58, Zone 5 Tondo.
Iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog at idineklrang fire out alas 2:41 ng hapon.
Ang mag-asawang biktima ay nasa edad 70 at 78 habang 45 anyos naman ang edad ng kanilang anak.
Samantala, sugatan naman ang tatlong fire volunteer at isang civilian.
Nasa 18 pamilya ang apektado sa sunog o 54 indibidwal ang nawalan ng bahay habang umaabot sa P800,000 ang pinsala sa sunog na sinasabing nagsimula di-umano sa bahay ng isang nagngangalang Loreta Flores.

