Senior Citizen huli sa baril at bala sa NAIA

NAHULIHAN ng bala at magazine ng baril  ang 69-anyos na lalaking pasahero sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal 1 sa paglabag sa RA 10591 kaugnay ng COMELEC Gun Ban.

Ayon sa PNP Aviation Security Group  at Office for Transportation Security, nakita ng isang X-ray operator ang mga kontrabandong nakasilid sa itim na trolley bag ng pasaherong patungong Shanghai, China. 

Sa isinagawang manual inspection, kinumpirma ang presensya ng kalibre .45  magazine na may pitong bala.

Dahil sa kabiguang magpakita ng COMELEC Gun Ban Exemption, agad na hinuli ang pasahero at dinala sa NAIA Police Station 1 para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Tiniyak naman ni PNP AVSEGROUP Director PBrig.Gen Christopher Abecia na patuloy nilang paiigtingin ang seguridad sa mga paliparan ngayong panahon ng halalan upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.