AYUDA, bukod pa sa tulong pinansyal, ang ipinaabot ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pamilyang nasunugan sa Sampaloc, Maynila, lalo na para doon sa mga nawalan ng mahal sa buhay.
PInangunahan ng Manila Department of Social Welfare ang pamamahagi ng ayuda at tulong pinansyal sa pamilyang may kaaanak na nasawi sa insidente.
Binigyan ang bawat pamilyang nawalan ng tirahan ng P10,000, habang yaong mga pamilyang may kaaanak o kasama sa bahay na nasawi sa sunog ay nakatanggap naman ng P20,000.
Bukod dito, pinagkalooban rin ng iba pang tulong mula sa pamahalaang lungsod ang mga nasunugan tulad ng hot meals, hygiene kits at iba pang mahalagang gamit. pang-araw-araw.
Sa naturang sunog na umabot lamang sa ikalawang alarma, anim ang kumpirnadong nasawi, kabilang ang dalawang bata.
Muli namang nagpaalala ang Manila LGU na gawin ang lahat ng nararapat upang maiwasan ang sunog lalo na ang pagkawala ng buhay.

