HINDI nagpakita o “No Show” sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte.
Ang nasabing pagharap ni VP Sara sa NBI ay upang magpaliwanag kaugnay sa kanyang mga naging pahayag laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sa kumpirmasyon ni NBI Director Jaime Santiago, hiniling ni Duterte sa ahensya na i-reschedule ang dapat sana niyang pagharap ngayong araw matapos siyang padalhan ng subpoena.
Paliwanag ni Duterte sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Paul Lim, huli na nang malaman niya ang pagpapaliban ng Kongreso sa pagdinig kaugnay sa kanyang confidential fund.
Dahil dito, muling itinakda ng NBI ang paghaarap ni Duterte sa Disyembre 11.
Nauna nang sinabi ni Santiago na maaari nilang isumite sa Department of Justice ang mga ebidensya at dokumento laban kay Duterte kapag hindi ito humarap sa NBI.

