Mahigit 10 libong mga pasahero, stranded pa din sa mga pantalan sa bansa

UMAKYAT na sa mahigit 10 libo na mga pasahero ang naging stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa dulot pa din na patuloy na paghagupit ng bagyong Kristine.

Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong umaga, kabilang sa 10,236 na stranded ay mga pasahero, truck driver, at cargo helper.

Nasa 2,699 naman ang stranded na rolling cargoes, 96 na mga vessel at 17 motorbanca, habang 317 vessel at 263 motorbanca ang naka-shelter habang nananalasa ang bagyo.

Karamihan ng mga naiulat na stranded ay sa mga pantalan sa Northwestern Luzon na nasa 4,247 na pasahero.

Nananatili namang naka-hightened alert ang PCG at kanilang mga district station para sa pagtugon sa mga apektado ng bagyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.