Pagpapatupad ng four-day work week, prerogatibo ng mga kumpanya — DOLE

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang pagtatakda ng four-day-work week ay magiging depende sa desisyon ng management ng mga kumpanya kung kanilang ipatutupad ito.

Ang suhestiyon na apat na araw na trabaho sa loob ng isang linggo ay lumutang sa gitna ng tumitinding init na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez, tinatawag na “flexible work arrangement” ang four-day work week at prerogatibo na ito o opsyon ng mga employer, sa konsultasyon na rin sa kanilang mga manggagawa.

Nang tanungin kung irerekomenda ng DOLE ang ganitong patakaran, sinabi ni Benavidez na magiging depende ito sa pangangailangan ng kumpanya.

Samantala, sinabi ni Benavidez na ipinapatupad na ng ahensya ang mandatory occupational safety at health standards sa ilalim ng department order at ng batas.

Inatasan din ng DOLE ang workplace safety group na gawing mandatory ang mga heat break at iba pang protocol sa gitna ng matinding init.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.