INIHAYAG ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang matibay at matatag na pangako nito na susuportahan at pananatilihin ang mas mabilis at mas inklusibong paglago ng ekonomiya.
Sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng FFCCCII, inilunsad din ang kauna-unahang English-language coffee table book tungkol sa FFCCCII na layong ibahagi ang track record ng ilang economic advocacies, socio-civic charities, at iba pang mga kwento ng bawat sektor ng lipunang Pilipino.
Sinabi ni FFCCCII President Dr. Cecilio Pedro na sa puso ng FFCCCII, nalagpasan na nila ang pangako nito hindi lamang patungkol sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas kundi pati na rin ang epektibong pagtugon sa mas malawak na mga pangangailangan ng lipunan para sa pag-unlad nito.
Nakita rin ng FFCCCII ang isang lugar sa hinaharap kung saan ang sustainable at inclusive economic growth ay nag-aangat sa buhay, kabuhayan, at oportunidad ng bawat babae sa Pilipinas.
Kumpiyansa rin ang FFCCCII sa positive trajectory ng Philippine economic growth ngayong taon sa kabila ng kawalan ng katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya sa iba’t-ibang mga rehiyon at iba pang mga hamon.
“We at FFCCCII advocate for continuous socio-economic reforms, economic diplomacy, increased trade with all our neighboring nations, and a steadfast focus on peace ,stability, investments and global competitiveness,” pahayag pa ni Pedro.

