Mag-ingat sa mga “scam account,” babala ng BI

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na mag-ingat laban sa mga kumakalat na mga “scam account” sa social media.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang panawagan sa publiko na mag-ingat sa mga “scam account” ay bunsod ng mga natatanggap niyang ulat mula sa email at social media kung saan may mga nagpanggap bilang official social media page ng BI at nangingikil ng pera sa mga tao.

Sinabi ng BI na nitong Pebrero ay nakatanggap siya ng impormasyon sa isang email address na nagpapadala ng mga invoice na humihingi ng P25,000 para sa isang pinigil na package mula sa Japan.

Dagdag pa ng BI chief, nakatanggap din sila ng kaparehong reklamo na humihingi sa biktima ng halagang P3,000 para sa pagre-release ng isang package mula sa Syria.

In another complaint reported to us, a victim was being asked P20,000 for the release of luggage being held at the airport,” ayon kay Tansingco.

Nilinaw ni Tansingco na ang ahensya ay hindi konektado sa pag-release ng anumang parcel o package.

Ayon dito, ipinadala na niya ang mga detalye ng kaso sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para imbestigahan ito.

Matatandaan na noong 2022, nagkaroon ng kasunduan ang ahensya at ang CICC tungkol sa pagpapa-igting ng kampanya kontra “cybercrimes.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.