Bayan ng Hermosa sa Bataan, namahagi ng learning support materials sa mga paaralan

SA muling pagbubukas ng in-person classes para sa mga kabataan at guro, namahagi kamakailan ang lokal ng pamahalaan ng Hermosa sa Bataan ng mga Learning Support Materials. 

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng 4,825 bond papers, 17 printers, 19 desktop computers, 144 toners at 150 drums para sa lahat ng pampublikong paaralan sa nasabing bayan. 

Ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton, gagamitin ito ng mga guro mula sa pondo ng Local School Board. Bukod sa learning support materials, namahagi din sila ng 10 window-type na mga aircon para sa Hermosa Conference Hall na siyang sentro ng mga gawaing pandistrito.  

Hangarin naming na bigyang prayoridad ang edukasyon ng mga estudyante para sa kanilang five days in-person classes upang maipagpatuloy ang kanilang interest sa kanilang pag-aaral, at matugunan din ang pangangailangan ng ating mga guro,” sabi pa ni Mayor Inton. 

Nakasama sa pamamahagi sina Ronnie Mendoza, Department of Education (DepEd) Hermosa District Supervisor, Eva Imingan, Regional Education Supervisor, Field Technical Assistance Division, Robert Pantig ng School Governance and Operating Division Bataan, Maria Teresa Perez mula sa Curriculum Implementation Division Bataan, at mga school principals sa buong bayan ng Hermosa. 

Dagdag pa ni Mayor Jopet, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaang bayan ng Hermosa sa pangangailangan ng mga paaralan kaisa si DepEd Hermosa District Supervisor Mendoza at ang mga punong guro ng bawat paaralan. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.