FDA, naghahanda na sa posibleng pagtanggal ng state of calamity laban sa health crisis

KINUMPIRMA ni Department of Health (DOH) Officer in Charge and Undersecretary Dr. Maria Rosario Vergeire na naglatag na ng paghahanda ang Food and Drugs Administration (FDA) sakaling hindi na palawigin ng pamahalaan ang state of calamity sa nararanasang health crisis dulot ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Vergeire, nagtatag ng Taak Force Edward ang FDA na ang layon ay matiyak na may magagamit na gamot at bakuna laban sa COVID-19 sakaling tapusin na ng pamahalaan ang state of calamity.

Ipinaliwanag aniya ng FDA na ang hakbang ng pagtatag ng Task Force Edward ay upang matutukan ang Certificate of Product Registration o CPR mula sa mga kumpanya na gumawa ng mga gamot at bakuna kontra COVID-19 upang maging available na ang mga ito sa publiko. 

Nabatid mula kay Vergeire na ang ginagamit ngayon ng pamahalaan ay ang EUA o Emergency Use Authorization para magamit ang mga bakuna kontra COVID-19 dahil sa umiiral na state of calamity.

Aminado si Vergeire na sa sandaling alisin na ang  state of calamity ay apektado ang procurement ng mga personal protective equipment (PPE), gamot at bakuna kontra COVID-19, price cap, at maging ang mga benipisyo para sa mga health workers at ang iba pang bahagi ng pag-roll out ng bakuna kontra COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.