Mahigit P10 milyon halaga ng shabu, natukoy ng PCG working dog sa Zamboanga at Tawi-Tawi City

TINATAYANG aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang na-detect ng Coast Guard Working Dog (CGWD) Bunny, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Batay sa imbestigasyon, ang package ay ipinadala ng isang Farhana Maddih mula Maluso, Basilan at tatanggapin sana ng isang Dayana Ismael mula sa Quezon City.

Itinurn-over na sa  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IX ang kontrabando para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Tumulong din ang Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng nasabing operasyon

Samantala, P6.8 milyong halaga naman ng shabu ang nasabat sa Tawi-Tawi sa pamamagitan pa rin ng CGWD James sa isang buy-bust operation.

Ayon sa PCG, nakalagay ang nasa isang kilo ng shabu sa “Chinese tea plastic bags” na nakalagay sa isang reusable bag. 

Nakuha ito sa dalawang suspek na kinilalang sina Nurhamin Nurussin at Husna Nurussin. 

Agad na inaresto ang dalawang suspek dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Maliban sa PCG K9 Field Operating Unit Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nakibahagi rin sa naturang operasyon ang PDEA Regional Office BARMM Tawi-Tawi, Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP), Marine Battalion Landing Team XII (MBLT 12), PCG Station Central Tawi-Tawi, and PCG Intelligence Group BARMM.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.