18-anyos, kulong sa pagdadala ng patalim at panggugulo sa Malabon

DIRETSO sa kulungan ang isang 18-anyos na lalaki na kabilang sa isang grupo na nagsagawa ng kaguluhan matapos maaresto at makuhanan ng patalim sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong Alarms and Scandal at paglabag sa BP 6 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines ang naarestong suspek na si Aaron Jerry Ibardolaza ng Blk 40, Lot 19 Phase 2, Area 3 Brgy. Longos.

Sa report nina PSSgt. Ernie Baroy at PSSgt. Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Sub-Station 5 ng Malabon police na may nagaganap na kaguluhan sa kahabaan ng Maya Maya  Street, Barangay Longos.

Kaagad rumesponde ang mga pulis sa naturang lugar kung saan nakita ng mga ito ang isang grupo ng kalalakihan na nag-aaway at gumgawa ng kaguluhan dakong alas-12 ng hatinggabi.

Gayunman, nang makita ng mga ito ang presensya ng mga pulis ay mabilis nagpulasan ang grupo sa magkakaibang deriksyon na naging dahilan upang habulin sila hanggang sa makorner at maaresto si Ibardolaza, kung saan narekober sa kanya ang isang kitchen knife.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.