PGH, ramdam na ang bahagyang pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19

NARARAMDAMAN na rin ng Philippine General Hospital (PGH) ang bahagyang pagtaas ng admission ng mga pasyente ng COVID-19.

Mula sa dating bilang ng kaso na 25 noong Disyembre 25 ay umabot na ito ngayon sa 65, ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario.

Ayon sa tagapagsalita ng ospital, sa nagdaang limang araw ay nakitaan ng bahagyang pagtaas ng bilang ng pasyente mula sa ER o emergency room o konsultasyon.

Karamihan sa kanila ay kailangang ma-admit habang ang iba naman ay pinalabas din dahil mayroon lamang mild symptoms.

So I guess it’s fair to say that there is a slight increase in the number of admissions now. We are seeing an increasing trend.” ayon kay del Rosario.

Nakikita namang dahilan ni del Rosario sa bahagyang pagtaas ng bilang ng admission sa naturang ospital ay dahil nadagdagan ang mobility ngayong holiday season.

It’s hard to say it’s due to the Omicron variant because so far we have not identified any local transmission. The ones that have been identified are all travelers from other countries,” dagdag pa ng opisyal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.