Cardinal Advincula, positibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ni Fr. Reginald Malicdem na tinamaan din ng COVID-19 si Archbishop of Manila Jose Cardinal Advincula.

Si Cardinal Advincula ay nakakaranas ng bahagyang lagnat o mild symptoms.

Ayon kay Fr. Malicdem, ang kasalukuyang Rector ng Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral, wala nang iba pang sintomas na nararamdaman ang cardinal na ngayon ay nasa quarantine bilang pagsunod sa health protocol.

Si Cardinal Advincula ay itinalaga kamakailan lamang bilang ika 33 na Arsobispo ng Maynila.

Mahigpit namang binabantayan ng mga doktor ang kanyang kondisyon habang umapela naman ng panalangin si Fr. Malicdem para sa agarang paggaling ng kardinal.

We appeal for your prayers for His Eminence and for all those who are sick with COVID-19,” apela ni  Fr. Malicdem.

Noong nakaraang Miyerkules lamang ay nag-alay pa ang kardinal ng misa para sa mga frontliners sa iba’t-ibang larangan dahil sa kanilang kabayanihan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.