Mahigit 600,000 doses ng Astrazeneca vaccine, dumating na sa Pilipinas

NAKARATING na sa bansa ang mahigit 600,000 doses ng Astrazeneca vaccine ngayong Biyernes, ika-17 ng Setyembre.

Nasa 661,200 doses ng Astrazeneca vaccine ang dumating sa bansa lulan ng isang China Airlines flight.

Sinalubong nila Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joy Concepcion ang pagdating ng nasabing mga bakuna noong bandang 9:35 ng umaga sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay.

Ayon kay Galvez, ang mga bakunang ito ay nakalap mula sa “Dose of Hope” program ng pribadong sektor sa bansa.
Sa mga dumating na Astrazeneca vaccine, 80% dito ay mapupunta sa mga Local Government Unit (LGU) sa labas ng Metro Manila. Habang, ang natitirang 20% na bakuna ay mapupunta sa pribadong sektor.

Sa ngayon, nasa mahigit 58 milyon na ang kabuuang bilang ng COVID-19 doses sa bansa.

Inaasahan naman ng pamahalaan ang pagdating ng 190,000 doses ng Sputnik V (Component 2) ngayong linggo o sa mga susunod na linggo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.