NEA Administrator, sinibak ni Pangulong Duterte

Sinibak na sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Electrification Administration (NEA) administrator Edgardo Masongsong sa umano sa isyu ng korupsyon.

Inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na nagsagawa ng imbestigasyon laban kay Masongsong.

“We’ve been talking about corruption. Alam mo may bago akong, the name is Edgardo Masongsong, of NEA. I dismissed him from public service,” ayon kay Masongsong.

Nauna na ring inireklamo ng PACC sa Ombudsman si Masongsong sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Omnibus Election Code.

May kinalaman ang reklamo sa pagpayag umano ni Masongsong na gamitin ang pondo ng electric cooperatives sa kampanya ng isang partylist group nuong 2019 elections.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.