Duterte: Babayaran lahat ng nagrereklamong frontliners

Share this information:

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabayaran na ang lahat ng healthcare workers na hindi pa nabibigyan ng allowances at benepisyo sa gitna ng pagharap sa COVID-19 pandemic.

Inatasan ng punong ehekutibo si Health Secretary Francisco Duque III na maghanap ng pondo.

“I am now ordering, this is now an order, Secretary Duque. Bayaran mo. Use whatever money there is. Bayaran mo ang mga hinihingi ng nurses both in government and those outside of our government na volunteers,” atas ni Duterte.

Binigyan din ni Pangulong Duterte ng sampung araw ang Department of Budget and Management upang iproseso ang pondo na kailangan ng DOH upang mabayaran ang healthcare workers.

Ayon sa Pangulo, pupuwedeng kunin sa kanyang contigency fund ang dagdag na pondo na kakailanganin ng Department of Health upang mabayaran ang mga nurse, vaccinators at iba pang health workers.

Nauna rito, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kakailanganin pa ng P3.6 bilyono para sa healthcare augmentation at ang patuloy na pagpapa-sweldo sa mga kinuhang healthworker hanggang sa katapusan ng taon.

Maliban dito, humiling na rin ng dagdag na pondo ang DOH sa DBM para mabayaran ang special risk allowance ng healthcare workers sa mga pribadong ospital.

May ilan aniya kasing mga ospital ang hindi nakapagsumite sa regional offices ng validated list ng healthcare workers na direktang humawak ng mga pasyente ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.