MATAPOS masungkit ang kauna-unahang gintong medalya sa weightlifting category sa ginaganap na Tokyo Olympics 2021, itinaas ng Philippine Air Force (PAF) ang ranggo ni Hidilyn Diaz sa Philippine AirForce (PAF).
Ito ang inanunsyo ni Captain Jonathan Zata, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos aprubahan ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana ang promotion ni Diaz bilang Staff Sergeant mula sa Sergeant.
Kasunod nito, muling binati ng AFP si Diaz sa tagumpay na nakamit lalo pa’t tinapos nito ang 97 taong pagkauhaw ng bansa sa gold medal sa Olympics.
Tinalo ni Diaz ang 8 ibang atleta para sa kategorya, kabilang ang world record holder na si Liao Qiuyun ng China.
Ito na ang ikalawang Olympic medal ni Diaz matapos ang kaniyang silver finish sa 2016 Olympics sa Brazil.

