Magpapakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan sa gitna ng malakas na pag-ulang dulot ng habagat.
Iyan ay sa layong maiwasang umapaw ang dam na ang antas ng tubig ay malapit nang umabot sa normal high water level nito na 101 meters.
Kaninang alas-siyete ng umaga, umaabot na sa 100.56 meters ang antas ng tubig sa Ipo dam.
Inaasahan ng pagasa na tataas pa ang water level ng dam dahil sa patuloy na pag-ulan.
Inabisuhan na ang mga residente sa mga mabababang lugar at malapit sa angat river bank kabilang ang Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy sa Bulacan sa posibleng pagbaha.

