Ilang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang boluntaryong nag-donate ng kanilang convalescent plasma sa Philippine Red Cross (PRC) matapos gumaling sa COVID-19.
Isinagawa ang “convalescent plasma donation drive” ng mga PCG frontliners sa Port Area, Maynila.
Ayon sa PCG, layon ng inisiyatibong ito na hikayatin ang mga “fully recovered PCG frontline personnel” na tumulong sa pagpaparami ng supply ng “convalescent plasma” sa bansa gayong nagtataglay ito ng “antibodies” na kayang i-neutralize ang nakakahawang virus.
Samantala, liban sa convalescent plasma donors, nakibahagi rin sa inisiyatibong ito ang mga regular blood donors sa PCG para makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng blood transfusion.

